Lucas 3
Tagalog: Ang Dating Biblia
1Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar, na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea si Herodes, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia, 2Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang. 3At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;

4Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

5Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;

6At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.

7Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating? 8Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito. 9At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin? 11At sinagot niya at sinabi sa kanila, Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin. 12At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin? 13At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo. 14At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.

15At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo; 16Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy: 17Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

18Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita; 19Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes, 20Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit, 22At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

23At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli, 24Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose, 25Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage, 26Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda, 27Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri, 28Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er, 29Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi, 30Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim, 31Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David, 32Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason, 33Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda, 34Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor, 35Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah, 36Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec, 37Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan, 38Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios.



Ang Dating Biblia -- Philippines Bible Society (1905), Tagalog (Philippines National Language) -- Bible is Recognized by its Title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia) -- Typed From the Ang Biblia Tagalog, by Richard und Dolores Long. -- This Bible is now Public Domain.

Bible Hub

Luke 2
Top of Page
Top of Page